^

Probinsiya

Trucking coordinator kinatay

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Brutal ang sinapit na kamatayan ng isang trucking coordinator matapos  igapos ang mga kamay nito at pagtatagain pa sa ulo ng hindi pa nakilalang mga salarin sa bayan ng Lanuza Surigao del Sur,  ayon sa opisyal kahapon.

Kinilala ang nasawing biktima na si Peter Kho Solon, coordinator ng AKS trucking na konektado sa ALN trucking­ subcontractor ng Nickel Base Corporation, isa sa mga kontraktor  ng Carrascal Nickel Corporation na matatagpuan sa Barangay Bon-ot­­, Carrascal, Surigao del Sur at isa sa mga ne­gosyo ng minahan dito.

Ayon kay CARAGA Police Spokesman Supt. Martin Gamba, bandang ala-1 ng hapon kamakalawa ng matagpuan ang bangkay ng biktima sa masukal na bisinidad ng Sitio Cagmino, Brgy. Sibahay, Lanuza ng lalawigang ito.

Sa imbestigasyon, nadiskubre ang bangkay ng biktima na nakabalot pa ng malong, habang nakita  rin ang malalalim na sugat sanhi ng mga taga-partikular na sa ulo nito. 

Bago ang pagkakadis­kubre ng krimen ay napaulat na nawawala ang biktima  noon pang Pebrero 11  ng taong ito. 

Samantalang bandang alas-5 rin ng hapon ng nasabing araw ay natagpuan ang inabandonang behikulo ng biktima na isang kulay itim na Ford Ranger pickup (FGB 871) sa bisinidad ng Gawad Kalinga, Brgy. Gamuton, Carrascal ng naturang probinsiya pero wala ang biktima.

Isinailalim na sa awtopsya ang bangkay ng biktima at patuloy din ang imbestigas­yon sa kasong ito upang matukoy at mapanagot sa batas ang mga salarin.

vuukle comment

BARANGAY BON

BIKTIMA

BRGY

CARRASCAL

CARRASCAL NICKEL CORPORATION

FORD RANGER

GAWAD KALINGA

LANUZA SURIGAO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with