^

Probinsiya

Pangulo ng Guardian pinaslang

Ed Casulla - Pilipino Star Ngayon

CAMP SIMEON OLA, Legazpi City, Philippines - - Pinagbabaril hanggang sa masawi ang presidente ng grupong Guardian ng hindi pa nakilalang nag-iisang armadong salarin kamakalawa ng gabi sa Housing 1, Brgy. Sta Lucia, Magarao, Camarines Sur.

Kinilala ang biktima na si Florencio Insuya, nasa hustong gulang, Pangulo ng Guardian Bombon Chapter at naninirahan sa Sitio Sta Cruz, San Antonio, Bombon ng naturang lalawigan.

Batay sa inisyal na ulat ng pulisya, bandang alas -9:30 ng gabi ng maitala ang pamamaril sa nasabing opisyal sa lugar  habang nakatayo ito sa tabi ng kalsada at naghihintay ng masasakyan pauwi sa kanilang tahanan.

Bigla na lamang uma­nong dumating sa lugar ang suspek na nilapitan ang biktima saka pinagbabaril at pagbagsak sa lupa ay mabilis na tumakas.

Sa kasalukuyan, patuloy ang imbestigasyon ng mga awtoridad sa motibo ng krimen.

vuukle comment

BATAY

BIGLA

BOMBON

CAMARINES SUR

FLORENCIO INSUYA

GUARDIAN BOMBON CHAPTER

SAN ANTONIO

SITIO STA CRUZ

STA LUCIA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with