^

Probinsiya

Pusher dedo sa drug bust

Boy Cruz - Pilipino Star Ngayon

BULACAN , Philippines   - Napaslang ang isang lalaking sinasabing tulak ng shabu matapos na umano’y manlaban sa mga umaarestong pulis habang isinagawa ang drug buy-bust operation sa Brgy. Makinabang, Baliwag, Bulacan kagabi.

Nasawi sa pinangyarihan ng krimen ang suspek na si Jaypee De Guzman, 35, ng Tomy Garcia St.,Brgy. Makinabang sa bayang ito.

Base sa ulat ni P/Supt. Julius Cesar Domingo, dakong alas- 9:30 ng gabi ay nagsagawa ng buy-bust operation ang mga elemento ng lokal na drug enforcement unit ng Baliwag PNP sa isang lugar sa Brgy. Makinabang upang bumili ng isang sachet ng shabu sa suspek ang poseur buyer na pulis kapalit ang halagang P500.

Nang matanggap na umano ng suspek ang marked money ay lumapit na ang iba pang kasamahang pulis upang arestuhin ang una ngunit sa halip na sumuko ay tumakbo ito papalayo. Bumunot pa umano ng baril ang suspek at pinaputukan ang mga humahabol na mga pulis na naging dahilan ng barilan hanggang sa mapuruhan ang una na kanyang ikinasawi.

Narekober ng mga rumes­pondeng kagawad ng SOCO sa tabi ng suspek ang isang .38 revolber na baril, 5 sachet ng shabu na nagkakahalaga ng P10,000 at motorsiklong Racal (6958-QF) na ginagamit sa pagbiyahe ng droga.

vuukle comment

BALIWAG

BRGY

BULACAN

BUMUNOT

JAYPEE DE GUZMAN

JULIUS CESAR DOMINGO

MAKINABANG

NANG

TOMY GARCIA ST.

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with