^

Probinsiya

Saleslady pumalag sa kawatan, tinarakan

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Isang malalim na sak-sak sa leeg ang tumapos sa buhay ng isang 21-anyos na saleslady matapos itong pagtulungang paslangin nang pumalag sa dalawang kawatan na nanloob sa kaniyang tahanan sa Brgy. Pasonanca, Zamboanga City kamakalawa ng mada-ling araw.

Ang  biktimang   si Jes­si­ca Sabanate, dalaga, saleslady sa Avon Beauty Products ay idineklarang dead-on-arrival sa pagamutan sanhi ng malalim na saksak na tinamo sa kaniyang leeg na ikinaputol ng sensitibo nitong ugat. 

Sa report, sinabi ni Chief Inspector Ariel Huesca, Spokesman ng Police Regional Office (PRO)9 na- ganap ang insidente bandang alas-12:15 ng mada-ling araw sa nasabing lugar.

 Ayon sa imbestigasyon, mahimbing na natutulog ang dalaga sa kaniyang kuwarto ng magising ito sa nilikhang kaluskos ng dalawang magnanakaw na pumasok sa kaniyang bahay.

Sinabi ni Huesca, hulinghuli ng dalaga sa pagbukas nito ng ilaw ang dalawang suspek habang hawak na ang kaniyang bag na nag­lalaman ng isang unit ng Nokia cellular phone, two mini pocket, mga lipstick na paninda nito sa AVON , isang salamin, hindi pa madeter-minang halaga ng cash at iba pa  kaya nanlaban ang biktima bunsod upang tarakan ito sa leeg ng double blade na patalim.

Arestado naman sa follow ­up operation, ayon pa sa opisyal ang mga suspek na natukoy na sina Joey Ferrer, 28 at  Joel Gaganting, 32 anyos.   Isinailalim na sa kustodya ng Zamboanga City Police Station 7 ang mga nasakoteng suspek na ngayo’y kapwa ipinagharap na ng kasong kriminal.

 

vuukle comment

ARESTADO

AVON BEAUTY PRODUCTS

CHIEF INSPECTOR ARIEL HUESCA

JOEL GAGANTING

JOEY FERRER

POLICE REGIONAL OFFICE

ZAMBOANGA CITY

ZAMBOANGA CITY POLICE STATION

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with