^

Probinsiya

Sekyu ginilitan ng kawatan

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nagbuwis ng buhay ang 43-anyos na security guard matapos gilitan at pagsasaksakin ng ‘di kilalang lalaki na nanloob sa boarding house sa Zone 1, Zamboanga City kamakalawa.

Kinilala ang biktima na si Jhulkipli Joe Tanjing, security guard sa Goldwyn Security Agency  at residente sa nasabing lungsod.

Bandang alas-11:25 ng umaga nang madiskubre ang nakadapang biktima  na duguan kung saan sinak­sak sa likurang bahagi ng katawan at may sugat sa leeg.

Sa imbestigasyon, ilang oras bago nadiskubre ang bangkay ng biktima ay namataan ang isang lalaki na duguang tumatakbo mula sa kuwarto ng biktima.

Tinangka ng mga residente na habulin ang suspek pero mabilis itong naglaho sa dilim.

BANDANG

BIKTIMA

GOLDWYN SECURITY AGENCY

JHULKIPLI JOE TANJING

KINILALA

NAGBUWIS

TINANGKA

ZAMBOANGA CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with