^

Probinsiya

Ari ni misis ginawang lusis

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Dahil sa matinding depresyon sa hindi pagsiping ng kaniyang mister, isang 30-anyos na misis ang ginawang lusis ang kanyang ari matapos buhusan ng gasolina at sinilaban kamakalawa sa Barangay Tayud, bayan ng Liloan, Cebu.

Sa ulat na nakarating kay P/Chief Insp. Jose Liddawa, hepe ng Liloan PNP, ang biktima na ipinatago sa pangalang Maritess bunga ng sensitibong isyu ay  nagtamo ng 3rd degree burn at patuloy na inoob­serbahan sa Vicente Sotto Memorial Medical Center sa Cebu City.

Nabatid na naghihinala ang biktima na may kinalolokohang ibang babae ang kaniyang mister dahil sa panlalamig ng pakikitungo nito sa kaniya.

Bukod dito ay palaging umaga na umano kung umuwi ang nasabing mister mula sa trabaho na nagbibihis lamang saka umaalis na ng bahay.

Nag-away pa ang  mag-asawa hinggil sa pambabae ng mister na labis na dinamdam ng biktima na palaging halos tulala at hindi makausap.

Laking gulat naman ng ina nito nang mamataang na nagliliyab ang gitnang bahagi sa pagitan ng hita ng kaniyang anak at nasa tabi nito ay isang bote na pinaglagyan ng gasolina.

Isinugod naman ang ginang sa pagamutan dahil sa maselan nitong kalagayan.

BARANGAY TAYUD

BUKOD

CEBU

CEBU CITY

CHIEF INSP

DAHIL

JOSE LIDDAWA

LILOAN

VICENTE SOTTO MEMORIAL MEDICAL CENTER

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with