Rapist tinodas sa selda
MANILA, Philippines - Napatay ang 53-anyos na mister na may kasong rape matapos itong kuyugin at pagtulungang bugbugin ng kapwa preso sa detention cell sa Barangay San Jose, Pagadian City, Zamboanga del Sur kamakalawa. Kinilala ng pulisya ang biktima na si Livirato Aragon na bukod sa kasong rape ay akusado rin sa pagpatay. Sa ulat na nakarating sa Camp Crame, naganap ang krimen sa detention cell ng mga preso sa Provincial Jail bandang alas-11:34 ng umaga. Sa imbestigasyon ng mga operatiba ng Pagadian City PNP, kinuyog ng dalawang kasamahang inmate na sina Sadam Dumandos at Ronilo Floren ang biktima saka pinagbubugbog. Sa tindi naman ng inabot nitong gulpe sa halos buong bahagi ng kaniyang katawan ang biktima na hindi na nagawang maisugod pa sa pagamutan.
- Latest