Killer-rapist ng kasambahay, timbog
CAMARINES NORTE , Philippines – Nadakip na ng mga awtoridad ang isang 33-anyos na binata makaraan ang mahigit sa tatlong taong pagtatago sa kasong panghahalay at pagpatay sa isang kasambahay kamakalawa ng gabi.
Sa kulungan na magpapasko ang suspek na si Johnny Tapel, 33, residente ng Purok 4 Brgy. Alawihao, Daet makaraang maaresto sa pinaglunggaan nito sa Parañaque City Police. Napag-alaman pa na si Tapel ay nasa talaan ng pulisya bilang No. 4 provincial most wanted person sa lalawigan ng Camarines Norte.
Sa ulat ni P/Supt. Paul Florencio Abay, Daet Chief of Police, nahuli ang suspek sa bisa ng warrant of arrest na ipinalabas ni Judge RoÂberto Escaro ng RTC Branch 38 Daet sa kasong rape with homicide at walang piyanÂsang inirekomenda dito.
Sa record na nakalap ng PSNgayon, naganap ang karumal-dumal na krimen noong May 17, 2010 ng gabi malapit sa simbahan ng Divine Mercy sa Brgy. Alawihao.
Nabatid na ang biktimang si Ma. Liezel Abuel, 24, residente ng Purok 7 Brgy. Dos, Daet ay dumalo sa isang sayawan at inabangan ng suspek at walang awang kiladkad sa damuhan. Napilitang hampasin ng dos-por-dos ang biktima na may nakausling pako sa ulo ng manlaban ito sa suspek hanggang sa ito ay mamatay.
Ikinatuwa naman ng kaanak ng biktima ang pagkakahuli sa suspek.
- Latest