^

Probinsiya

P54.5-M marijuana nasamsam

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Tinatayang aabot sa P54.5 milyong halaga ng marijuana ang nasamsam sa isinagawang operasyon ng mga awtoridad sa tatlong bayan sa lalawigan ng Benguet, ayon sa opisyal kahapon.

Sa ulat na nakarating kay si Cordillera PNP Regional Director P/Chief Supt. Isagani Nerez, sinalakay ng mga tauhan ng Benguet PNP, Regional Public Safety Battalion, Criminal Investigation and Detection Unit –Cordillera Administrative Region at ng Philippine Drug Enforcement Agency ang tatlong munisipalidad sa Benguet sa loob ng apat na araw na operasyon hanggang kamakalawa.

Nabatid na pitong barangay ang nadiskubreng may malalawak na plantasyon ng marijuana kung saan nasamsam ang 203,650 piraso ng puno ng marijuana, 1,520 butil ng binhi na nakatanim sa 40,730 metriko kuwadradong plantasyon.

Samantala, aabot naman sa 17-kilong pinatuyong dahon ng marijuana, 106-kilo ng marijuana stalks at 5-kilo ng binhi ng marijuana na nagkakahalaga ng P 54, 590,800 ang kinumpiska.

Kabilang sa sinalakay na mga lugar ay ang Barangay Kayapa, bayan ng Bakun, Benguet na may anim na plantasyon at may tanim na 62,500 puno ng marijuana na aabot sa P12,500,000 ang halaga.

Habang ang iba pang bulto ng marijuana at binhi ay nasabat naman sa mala­lawak na plantasyon sa mga  Barangay Tacadang, Badeo at sa Barangay Belis sa ba­yan ng Kibungan.

Isa ring menor-de-edad ang nasakote sa aktong nag-aani ng marijuana sa Barangay Badeo.

Sa nasabing operasyon ay nadiskubre rin ang 15  pang malalawak na plantasyon ng marijuana sa Kibungan kasunod ng pagkakasamsam sa P17,850,000.00 halaga ng pinatuyong dahon at bulto ng binhi nito.

BARANGAY BADEO

BARANGAY BELIS

BARANGAY KAYAPA

BARANGAY TACADANG

BENGUET

CHIEF SUPT

CORDILLERA ADMINISTRATIVE REGION

CRIMINAL INVESTIGATION AND DETECTION UNIT

MARIJUANA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with