^

Probinsiya

Kuya inutas ng kapatid

Raymund Catindig - Pilipino Star Ngayon

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines - — Walang sinasanto ang espiritu ng alak matapos katayin ng 34-anyos na magsasaka ang kanyang kuya sa harap ng kainuman sa birthday party kamakalawa  sa Barangay Malasin, bayan ng Angadanan, Isabela.

Kinilala ni P/Chief Insp. Salvador Mangulab, hepe ng Angadanan PNP ang napatay na si Elpidio Dugay, 48, habang pinaghahanap naman ang suspek na si Rolando Dugay.

Lumalabas sa imbestigasyon na kapwa nakikipag inuman ang mag-utol nang sinasabing hindi nagustuhan ng suspek ang matalim na titig sa kanya ng kapatid.

Ayon sa mga nakasaksi­ na sina Donald Baldos at Eugene Bagain, walang anu-anong nilapitan at inundayan ng saksak sa dibdib ng suspek ang biktima kung saan nangisay sa harapan ng mga nagu­lantang na kainuman.

vuukle comment

ANGADANAN

AYON

BARANGAY MALASIN

CHIEF INSP

DONALD BALDOS

ELPIDIO DUGAY

EUGENE BAGAIN

ROLANDO DUGAY

SALVADOR MANGULAB

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with