2 dedbol sa onsehan sa droga

NORTH COTABATO, Philippines - Pinaniniwalang onsehan sa illegal na droga ang isa sa motibo kaya pinagbabaril hanggang sa mapatay ang dalawang sibilyan sa tinaguriang drug den sa Purok Krislam, bayan ng Kabacan, North Cotabato kahapon. Kinilala ni P/Chief Insp. Jordine Maribojo, hepe ng Kabacan PNP ang mga napaslang  na sina Francis Jayson Librando Aquino ng Barangay Ugalingan, Carmen, North cotabato; at isang alyas An-an na sinasabing guest relation officer. Malaki ang paniniwala ni Maribojo na may kinalaman sa illegal drugs ang dahilan ng pagkakapatay sa dalawa.

Show comments