^

Probinsiya

Anak ng solon nabaril ang sarili, dedo

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Kamatayan ang sumalubong sa anak na lalaki ni Negros Oriental Rep. George Arnaiz matapos aksidente nitong makalabit ang gatilyo ng baril ng ama na sumapul sa kaniyang ulo sa bayan ng Pamplona, Negros Oriental, ayon sa ulat kahapon.

Sa ulat ni Pamplona Negros Oriental PNP Chief P/Senior Inspector Renato Bureros, kinilala ang bumulagta na si George Agustus Arnaiz.

Sa inisyal na imbestigasyon, sinabi ng opisyal na posibleng inakala ng biktima na natanggal na niyang lahat ang bala  ng cal. 45 pistol ng ama.

Bandang alas-5:45 ng umaga noong Sabado nang magising  ang kongresista na kinukumutan siya ng anak sa loob ng kanilang silid kung saan tig-isa sila ng tinutulugang kama.

Gayon pa man, ilang saglit pa ay isang malakas na putok ng baril ang umalingawngaw at laking gulat ng solon nang bumulaga sa kanya ang duguang anak sa kama nito na may tama ng bala sa ulo.

Ang nasabing baril ay nakatago umano sa drawer ng solon na kinuha ng anak nito.

Narekober naman ng mga operatiba ng pulisya ang dalawang basyo ng bala ng nasabing baril sa loob ng silid.

Wala namang nakitang foul play ang mga awtoridad kung saan tumanggi na rin ang pamilya ng biktima na magbigay ng karagdagang detalye.

vuukle comment

BANDANG

CHIEF P

GAYON

GEORGE AGUSTUS ARNAIZ

GEORGE ARNAIZ

KAMATAYAN

NEGROS ORIENTAL

NEGROS ORIENTAL REP

PAMPLONA NEGROS ORIENTAL

SENIOR INSPECTOR RENATO BUREROS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with