TUGUEGARAO CITY, Philippines- Tatlong katao, kabilang na ang isang 67 anyos na lolo na auditor ng samahan ng mga Senior citizens ang napatay ng mga hinihinalang hired killers sa dalawang magkakahiwalay na insiÂdente sa bayan ng Luna at Cauayan City, Isabela kamakalawa.
Kinilala ni Supt. Mariano Rodriguez, hepe ng pulisya ng Cauayan City ang dalawang biktima sa kanyang lugar na sina Randy Balilio 26, isang magsasaka at Rogelio Jose, 59 driver-operator ng pampasadang jeepney; pawang nakatira sa Brgy. Guilingan, Benito Soliven, Isabela. Ayon sa ulat, ang mga biktima ay tinambangan ng hindi nakilalang mga armadong salarin sa pampasadang jeepney ni Jose sa kahabaan ng provincial road sa Brgy. Cabugao ng nasabing lungsod dakong 3:30 ng hapon.
Sa isa pang insidente sa kalapit bayan ng Luna, pinabulagta ng dalawang hired killers ang auditor ng senior citizens ng bayang ito sa harapan ng kanyang tahanan sa Brgy. Pulay sa harap na nasaksihan ng na mga musmos na naglalaro ng holen sa lugar.
Nakilala ang biktima na si Juanito Lacunsay na isa ring magsasaka na agad binawian ng buhay sa tinamong mga tama ng bala sa katawan.