^

Probinsiya

Biyudo nakipag-date sa textmate, todas

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Dahil sa sobrang kagalakan matapos makipag-date sa ka-textmate na dalaga, namatay ang 55-anyos na biyudo makaraan itong atakehin sa puso  sa Capitol Site, Ipil Height, bayan ng Ipil, Zamboanga Sibugay kamakalawa ng umaga.

Sa ulat na nakarating sa Camp Crame, naganap ang insidente bandang alas-5:31 ng umaga matapos na makipag-date ang biktimang si Reynaldo Ducosin sa kaniyang ka-textmate na si Santanina Arola, 25, ng Brgy. Magdaup.

Napag-alamang nagkasundo ang magka-textmate na magkita para sa kanilang unang date kung saan sinabi ng biktima na ipapasyal niya ang ka-textmate.

Sa sobrang galak matapos na makita ng personal ang magandang  ka-textmate ay agad na pinaangkas ng biktima sa kanyang motorsiklo para mamasyal.

Gayon pa man, ilang metro pa lamang ang naiilayo ay biglang nakaramdam ng paninikip ng dibdib at paghinga ang biktima kaya pinabagal nito ang motorsiklo kung saan sumemplang sa tabi ng kalsada.

Nagtamo naman ng bahagyang galos ang dalawa bunga ng insidente kung saan ay idineklarang patay sa ospital ang biyudo na nakatira sa Barangay Namnama, bayan ng Titay.

vuukle comment

BARANGAY NAMNAMA

BRGY

CAMP CRAME

CAPITOL SITE

DAHIL

GAYON

IPIL HEIGHT

REYNALDO DUCOSIN

SANTANINA AROLA

ZAMBOANGA SIBUGAY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with