^

Probinsiya

Minahan sumabog: 2 dedo, 2 grabe

Ed Casulla - Pilipino Star Ngayon

CAMP SIMEON OLA, Legazpi City, Philippines -- Dalawang minero ang iniulat na namatay habang dalawang iba pa ang malubhang na­sugatan makaraang suma­bog ang sinasabing iligal na minahan sa Barangay Bagawbaw, Batan Island sa bayan ng Rapu-Rapu, Albay noong Miyerkules (Nob. 20).

Kinilala ang mga namatay na sina Antonio Grajeda at Jerson Dela Cruz habang nasa malubhang kalagayan sa ospital sina Boyon Moises at Christian Santillan. Sa ulat ni P/Senior Inspector Gil Otivar, nasa tunnel ang mga biktima nang biglang uma­lingawngaw ang malakas na pagsabog bandang alas-9 ng umaga.

Nagawang makalabas ng mga biktima mula sa tunnel subalit namatay ang dalawa.

Nabatid na matagal ng ipinatigil ng DENR ang ope­rasyon ng Sammajo Mining Corp. dahil sa panganib na dulot ng minahan ng carbon.

Inilihim din ng mga barangay opisyal ang naganap na insidente subalit nadiskubre matapos maisugod sa ospital ang dalawang nasa kritikal na kalagayan.

Ipinag-utos na ni P/Chief Supt Victor  P. Deona na imbistigahan din ang hepe ng pulisya sa nasabing bayan  dahil sa anim na araw bago isinumite ang police report.

 

ANTONIO GRAJEDA

BARANGAY BAGAWBAW

BATAN ISLAND

BOYON MOISES

CHIEF SUPT VICTOR

CHRISTIAN SANTILLAN

JERSON DELA CRUZ

SAMMAJO MINING CORP

SENIOR INSPECTOR GIL OTIVAR

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with