P50M ari-arian ng DPWH, sinunog
MANILA, Philippines - Umaabot sa P50 milÂyong halaga ng mga heavy equipment ang winasak makaraang sunugin ng mga armadong grupo na sumalakay sa construction site ng Department of Public Works and Highways (DPWH) sa Barangay Titik, bayan ng Sindangan, Zamboanga del Norte kamaÂkalawa ng hapon.
Ang insidente ay iniulat sa pulisya nina Engineer Cris Rodrigo Cuizon ng ESR Construction Supply at Engineer Arnold Mantiza ng DPWH.
Napag-alamang abala ang mga trabahador at empleyado ng ESR saka DPWH nang biglang lumusob ang armadong grupo sa construction site.
Walang nagawa ang mga trabahador sa maÂtinding takot sa mga armadong grupo kung saan agad namang binuhusan ng gasoÂlina ang mga heavy equipment saka sinilaban.
Kabilang sa sinunog ay dalawang bulldozer, backhoe caterpillar na pag-aari ng ESR Construction SupplyÂ; isang unit ng Willis jeep (SJE 975) at iba pang heavy equipment na pag-aari naman ng DPWH.
- Latest