^

Probinsiya

2 ‘pugante’ bulagta sa pulis

Freeman News Service - Pilipino Star Ngayon

ORMOC CITY, Leyte , Philippines    â€” Dalawang di-kilalang lalaki na pinaniniwalaang nakapuga sa Tacloban City Jail noong kasagsagan ng bagyong Yolanda ang napatay ng mga operatiba ng pulisya sa Ormoc City, kamakalawa ng hapon.

Sa ulat ni SPO4 Mark Ruita, isa sa napatay ay nasa 35 hanggang 40 at  may tattoo na Batang City Jail (BCJ) sa kaliwang pigi at ang pangalang “Louie Jay” sa kaliwang braso habang ang isa naman ay may tattoo rin sa balikat.

Base sa ulat, nagpapat­rolya ang mga pulis kasama ang pangkat ng Regional Public Safety Battalion nang mamataan nila ang tatlong kalalakihang malapit sa banko.

Tinangkang lapitan ng mga pulis ang tatlo su­balit nagpulasan patungo sa Mabini Street sa likuran ng banko.

Gayon pa man, hinabol ng mga pulisya subalit isa sa tatlo ang bumaril sa sasak­yan ng PNP kaya napilitang gumanti ng mga awtoridad at napatay ang dalawa habang nakatakas naman ang isa pang kasama.

Narekober sa dalawa ang cal. 38 revolver, ilang plastic sachet ng shabu at hindi nabatid na halaga.

Naniniwala ni Ruita na ang tatlo ay kabilang sa mga preso na nakapuga sa Tacloban jail dahil sa mga tattoo sa katawan.

Nakipag-ugnayan na ang pulisya sa kinuukulang ahensya ng lokal na pamahalaan para makilala ang dalawang napatay.

 

vuukle comment

BATANG CITY JAIL

DALAWANG

LOUIE JAY

MABINI STREET

MARK RUITA

ORMOC CITY

REGIONAL PUBLIC SAFETY BATTALION

TACLOBAN CITY JAIL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with