2 tiklo sa bentahan ng relief goods
MANILA, Philippines - Dalawa-katao ang inaresto ng pulisya matapos maaktuhang nagbebenta ng relief goods na ninakaw sa bodega ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa Bagsakan Center, Barangay Recodo, Zamboanga City, ayon sa opisyal kahapon.
Kinilala ni P/Chief Insp. Ariel Huesca ang mga suspek na sina Ayang Saidula, 33; at Nayma Sahibul Abbas, 23.
Nasamsam sa mga suspek ang kahun-kahon relief goods na nakalaan sa mga evacuees na biktima ng 20-araw na siege ng Moro National Liberation Front (MNLF) sa Zamboanga City noong Setyembre na nanatili pa sa mga evacuation center.
Sa inisyal na interogasyon sa himpilan ng Zamboanga City Police, sinabi naman ng mga suspek na ang relief goods ay nabili nila sa mga Badjao sa Brgy. Sinunuc sa mababang halaga.
- Latest