Misis pinugutan ng boardmate
BULACAN, Philippines - – Brutal na kamatayan ang sinapit ng 29-anyos na misis matapos itong tagain at pugutan ng kanyang boardmate na senglot sa loob ng kanilang inuupahang bahay sa Brgy. Abangan Norte, bayan ng Marilao, Bulacan kamakalawa ng gabi. Nagtamo ng mahabang hiwa sa pisngi at halos mapugutan ang biktimang si Genalyn Gatila na pansamantalang nakatira sa Town and Country Executive Village sa nasabing lugar. Pinaghahanap naman ang suspek na si Benedicto MaÂnalastas, 59, tubong Barangay Paliwasan, San Miguel, Bulacan. Ayon kay PO2 Jeneben Cating, senglot na dumaÂting sa bahay ang suspek nang pagtatagain ang biktimang nakaupo sa sala. Napag-alamang bago maganap ang krimen ay kinompronta ng biktima ang suspek dahil sa hindi naglilinis ng mga kalat na basura at dumi sa loob ng bahay.
- Latest