^

Probinsiya

Tinangkang ambusin ang convoy ng relief goods… 2 lider ng NPA bulagta sa encounter

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nasilat ng tropa ng militar ang pananambang ng mga rebeldeng New People’s Army (NPA) sa convoy ng Philippine Army na mag­hahatid ng relief goods sa Leyte at Samar  na sinalanta ng bagyong Yolanda sa bakbakan na ikinasawi ng dalawang lider ng rebelde sa  Barangay Balocawe, bayan ng Matnog, Sorsogon kahapon ng umaga.

Ayon kay Col. Joselito Kakilala, Commander ng Army’s 903rd Infantry Brigade, ang mga relief goods na ini-eskortan ng mga sundalo ay ihahatid sa mga biktima ng bagyong Yolanda sa Leyte at Samar na isasakay sa barko sa pier ng Matnog.

Gayon pa man, taliwas sa inaasahan ng mga rebelde ay nakaalerto ang tropa ng Army’s 31st Infantry Battalion, 96th Military Intelligence Company at 22nd Infantry Battalion na  nagsagawa ng security/combat operations sa lugar na dadaanan ng convoy kung saan nakaposisyon na sa tabi ng highway para mang-ambush.

Ang bakbakan  ay may isang kilometro ang layo mula sa national highway na tumagal ng ilang minuto na ikinasawi ng dalawang rebelde na sina alyas  Ka  Abel at alyas Ka Win na kapwa opisyal ng NPA sa Sorsogon.

Samantala, isa rin sa mga tauhan ni NPA Commander Jesus Guelas alyas Gapa/ Insoy  ang nasugatan sa nasabing bakbakan. Wala namang naiulat na nasugatan sa panig ng militar.

Narekober sa pinangyarihan ng bakbakan ang tatlong M16 rifle, baby Armalite, M14 rifle, cal. 45 pistol at mga eksplosibo.

BARANGAY BALOCAWE

COMMANDER JESUS GUELAS

INFANTRY BATTALION

INFANTRY BRIGADE

JOSELITO KAKILALA

KA WIN

LEYTE

MATNOG

MILITARY INTELLIGENCE COMPANY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with