3 grinipuhan sa inuman, grabe
BULACAN , Philippines – Tatlo-katao ang malubhang nasugatan makaraang pagsasaksakin ng kanilang kainuman sa Barangay Basuit, bayan ng San Ildefonso, Bulacan kamakalawa ng gabi. Kasalukuyang nasa Bulacan Provincial Hospital ang mga biktimang sina Alfredo Ronquillo, 56; Jaime LeoÂnardo, 55, kalihim ng barangay; at si Percival Cruz, 48, hepe ng mga barangay tanod na pawang nakatira sa nabanggit na barangay habang pinaghahanap naman ang suspek na si Eliseo Ubaldo. Sa imbestigasyon ni PO3 Homer Abaya, magkakasamang nag-iinuman sa bahay ni Rogelio Carillo ang mga biktima at suspek nang sumiklab ang matinding pagtatalo. Nabatid na napikon ang suspek sa mga biktima kaya isinagawa ang pananaksak.
- Latest
















