Mindanao bomber na may P3.3-M patong, timbog
MANILA, Philippines - Bumagsak na sa kamay ng pulisya ang isang notoryus na lider ng isang teroristang grupo na may patong sa ulo na P3.3-milyon at sangkot sa madugong pambobomba sa Central Mindanao sa loob ng pitong taon na kumitil sa buhay ng 31 katao habang 145 pa ang sugatan sa isinagawang operasyon sa Bagumbayan, Sultan Kudarat, ayon sa PNP kahapon.
Kinilala ni PNP Chief Director General Alan Purisima ang naarestong suspek na si Jabide Abdul alyas Zabie Beds, senior leader ng Al-Khobar Group na nag-o-operate sa Mindanao.
Bandang alas-2 ng hapon kamakalawa nang masakote ng piÂnagsanib na operatiba ng Task Force-Sanglahi Alpha ng PNP ang suspek sa pinagtataguan nito sa Brgy. Titulok, Bagumbayan ng nasaÂbing lalawigan.
Sa report ni C/Supt. Abelardo Villacorta, Director ng PNP Intelligence, si Abdul ay inaÂresto sa bisa ng mga warrant of arrest na inisyu ng Regional Trial Court Branch 17, Kidapawan City; Branch 16 ng Kabacan, Cotabato at RTC Branch 19 ng Digos City sa kasong multiple murder, multiple frustrated murder, multiple attempted murder at destruction of property.
Ayon kay PNP Public Information Office Chief P/Sr. Supt Reuben Theodore Sindac, ang suspek ay may P3.3 milyong reward sa kanyang ulo.
Sa tala ng PNP, si Abdul ay sangkot sa pambobomba sa founÂding anniversary ng Makilala, North Cotabato na ikinasawi ng anim katao at 40 pa ang nasugatan noong Oktubre 10, 2006. Ang suspek din ang nasa likod ng bombing sa Weena bus sa Cotabato terminal noong Mayo 10, 2007 na ikinamatay ng tatlong katao at ikinaÂsugat ng 15 iba pa.
Ang grupo rin ng suspek ang responsable sa pambobomba sa Weena Bus sa Bansalan terminal sa Davao del Sur noong Hunyo 2008 na pumatay ng 10 katao at 14 pa ang sugatan, pagpapasabog sa Kidapawan City na ikinasugat ng 9 katao. Siya rin ang itinuturo sa marami pang insidente ng extortion, pag-atake at pagbobomba sa Central Mindanao.
- Latest