^

Probinsiya

Lungsod ni Pacman tinaniman ng bomba

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nabulabog ang General Santos City, ang lungsod ni boxing champion Manny “Pacman” Pacquiao ka­sunod ng pagkakadis­kubre sa bomba na itinanim sa downtown area kama­kalawa ng gabi.

Ayon kay P/Senior Supt. Froilan Quidilla, director ng General Santos City PNP, ang bomba ay itinanim sa bisinidad ng Petron Gasoline Station sa kahabaan ng Pedro Acharon Boulevard.

Isinilid sa plastic bag ang bomba na gawa sa dalawang 60mm mortar shells na may nakakabit na electrical wire, blasting cord at mobile phone bilang triggering device.

Kaagad napansin ng mga attendant ng na­sabing gasolinahan ang nasa­bing bomba bago pa man ito sumabog kung saan rumesponde ang mga ope­ratiba ng Explosives and Ordnance (EOD) team bitbit ang mga K-9 dogs at na-detonate ang bomba.

Sa pahayag ng gasoline boy na si Joseph Pelaez, dalawang lalaki na nagma­madaling lumisan ang nag-iwan ng kulay puting plastic bag na pinaglagyan ng bomba na dalawang kilo ang bigat.

Ayon sa ulat, maa­aring makapinsala ng hanggang 20 metrong radius kung sumabog ang bomba habang patuloy ang im­bestigasyon.

 

AYON

BOMBA

EXPLOSIVES AND ORDNANCE

FROILAN QUIDILLA

GENERAL SANTOS CITY

JOSEPH PELAEZ

PEDRO ACHARON BOULEVARD

PETRON GASOLINE STATION

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with