^

Probinsiya

Mister napagkamalang kawatan ng manok, binoga

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Dahilan lamang sa ma­ling akalang magnanakaw ng tandang o panabong na manok, patay ang isang 49 anyos na mister matapos itong pagbabarilin ng isang negosyante sa Brgy. 12, Cabadbaran City, Agusan del Norte kamakalawa ng gabi.

Sa ulat, kinilala ni CARAGA Police Spokesman Supt. Martin Gamba ang nasawing biktima na si Rogelio Rollorata, dead-on-arrival  sa Cabadbaran District Hospital.

Nahaharap naman sa kasong kriminal ang negos­yanteng si Jolly Famador alyas Tikwi, 43, breeder ng panabong na manok sa lugar. 

Base sa imbestigasyon, sinabi ni Gamba na ang biktima kasama ang dalawa pa nitong kaibigan ay lulan ng motorsiklo bandang alas-10 ng gabi nang ma-jingle o maihi si Rollorata kaya huminto ang mga ito sa tabi ng highway.

Nagkubli sa puno malapit sa mga ibinebentang pa­nabong na manok ni Famador si Rollorata na eksakto namang nakita ng negos­yante at napagkamalang magnanakaw ng panabong kaya pinagmumura na nauwi sa mainitang pagtatalo at pamamaril gamit ang homemade shotgun o sumpak sa biktima.

 

vuukle comment

AGUSAN

BRGY

CABADBARAN CITY

CABADBARAN DISTRICT HOSPITAL

JOLLY FAMADOR

MARTIN GAMBA

POLICE SPOKESMAN SUPT

ROGELIO ROLLORATA

ROLLORATA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with