2 brgy. chairmen tiklo sa droga, illegal logging
MANILA, Philippines - Dalawang brgy. chairmen, isa rito ay kandidato ang inaresto ng mga awtoridad kaugnay ng pagkakaÂsangkot sa illegal na droga at illegal logging sa magkakahiwalay na operasyon sa Iloilo at Isabela, ayon sa opisyal kahapon.
Ito’y isang araw bago ganapin ang Brgy. elections , bukas araw ng Lunes (Oktubre 28).
Sa ulat ni Police Regional Office (PRO) 6 Director P/Chief Supt. Agrimero Cruz Jr., dakong alas-12:30 ng madaling-araw ng dakpin ng mga awtoridad si Rodolfo Baldemor IV, brgy. chairman matapos maÂsamsaman ng illegal na droga sa Brgy. Talokgangan, Banate, Iloilo nitong Sabado.
Arestado rin sa operasÂyon ang kasamahan nito sa illegal na aktibidad na si Crisencio Badinas, nasa hustong gulang. Nasamsam mula sa pag-iingat ng mga ito ang metamphetamine hydrochloride at mga drug paraphernalia.
Sa isa pang insidente, arestado naman kamakaÂlawa habang nangangampanya ang kandidatong brgy. chairman ng Brgy. San Vicente, San Pablo, Isabela na si Domingo VierÂnes dahilan sa pagkakaÂsangkot sa illegal logging.
Ayon kay Chief InsÂpector Jacob Dangpason, hepe ng San Pablo, dinakip sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Cabagan Regional Trial Court (RTC) Branch 22 Judge Felipe Torio.
Sa rekord ng korte nabatid na ang suspek ay nasangkot sa pagbibiyahe ng isang truck ng troso na nasabat ng mga awtoridad sa nasabing bayan noong 2010.
- Latest