^

Probinsiya

Ambush: 3 aide ng mayor patay

Rhoderick Beñez at Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MAGUINDANAO , Philippines   â€” Bumulagta ang tatlong tauhan ng alkalde habang sugatan naman ang dalawang iba pa makaraang tambangan ng mga di-kilalang lalaki sa kahabaan ng highway sa bayan­ ng Talitay, Maguindanao kahapon ng umaga.

Sa police report na nakarating kay P/Senior Supt. Rudelio Jocson, director ng Maguindanao PNP, nakasakay ang mga biktima sa Hi-Lux SUV (TOU-356) na pag-aari ni Mayor Montasir Sabal nang ratratin ng mga armadong grupo sa liblib na bahagi ng highway.

Nabatid na patungong Cotabato City mula sa bayan ng Talitay ang mga biktima nang tambangan ng grupo ng kalalakihan gamit ang M-14 at M-16 assault rifles.

Ayon sa report, kinilala lamang ang mga biktima sa mga alyas na Tom, Boy at Belds na sinasabing mga kamag-anak mismo ni Mayor­ Sabal na tumatayong security aide.

Isinugod naman sa ospital ang mga sugatang sina Bobby Masulot, 34; at Kagawad Tatuan Dakondang ng Barangay Gadungan.

Magugunitang naging mainit ang nakaraang halalan noong Mayo 2013 sa nasabing bayan sa pagitan ng magkaribal na partido.

 

vuukle comment

BARANGAY GADUNGAN

BOBBY MASULOT

COTABATO CITY

KAGAWAD TATUAN DAKONDANG

MAGUINDANAO

MAYOR MONTASIR SABAL

RUDELIO JOCSON

SENIOR SUPT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with