^

Probinsiya

Magsasaka kinatay ng kainuman

Raymund Catindig - Pilipino Star Ngayon

TUGUEGARAO CITY, Cagayan , Philippines  â€“ Pinagtataga hanggang sa mapatay ang 40-anyos na magsasaka ng kanyang kainuman saka itinapon sa ilog dahil sa matagal nilang hidwaan sa Barangay Duyun, bayan ng Rizal, Cagayan kama­kalawa.


Kinilala ni P/Chief Insp. Arthur Sto. Tomas, hepe ng Rizal PNP ang biktima na si Aldrin Talang habang naaresto naman ang suspek na si Celso Binayug, 31, kapwa nakatira sa nasabing barangay.


Ayon sa ulat, lango na sa alak ang dalawa nang magpambuno ang mga ito dahil sa naungkat nilang matagal nang away.
 Nabatid na pinagtataga ng suspek ang biktima na halos mahati na ang ilang bahagi ng katawan saka nito isinakay sa karitong hila ng kalabaw.


Dinala ng suspek ang tadtad na bangkay ng biktima may 800-metro ang layo sa kanilang bahay saka itinapon sa ilog.

Lumutang naman ang bangkay ng biktima kaya nadiskubre ng mga residente kung saan positibo namang kinilala ang suspek.

ALDRIN TALANG

ARTHUR STO

AYON

BARANGAY DUYUN

CELSO BINAYUG

CHIEF INSP

DINALA

KINILALA

RIZAL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with