^

Probinsiya

Boserong driver arestado

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nagwakas na ang kaka­ibang trip sa pamboboso ng 26-anyos na driver sa ka-boardmate nitong misis matapos itong maaresto  ng mga operatiba ng pulisya sa mismong kisame ng silid ng pinagpapantasyahang babae sa boarding house sa bayan ng Liloy, Zamboanga del Norte.

Hindi na nakapalag sa aktong nasa itaas ng kisame sa silid ng misis ang suspek na si Robert Manolong ng Ipil, Zamboanga Sibugay at pansamantalang tumutuloy sa boarding house sa Barangay Fatima sa na­sabing bayan.

Sa police report na nakarating sa Camp Crame, rumesponde ang pulisya sa pamumuno ni SPO2 Romeo Abil matapos na magreklamo ang misis na si Renely Villamil­, 31.

Sa salaysay ni Villamil, bandang alas-12:01 ng ma­daling-araw ng maalimpu­ngatan siya dahil may kumakaluskos sa kisame ng boarding house na pag-aari ni Norma Sayon.

Agad namang humingi ng saklolo ang misis sa may-ari ng boarding house kung saan tumawag na ng mga pulis.

Nabatid na ang suspek at si Villamil ay magka-boardmate sa boarding house.

Lumilitaw pa sa imbestigasyon na gumawa ng butas sa kisame ang suspek upang mabosohan ang biktima lalo na kapag nagbibihis ito at bagong paligo.

 

BARANGAY FATIMA

CAMP CRAME

LILOY

NORMA SAYON

RENELY VILLAMIL

ROBERT MANOLONG

ROMEO ABIL

VILLAMIL

ZAMBOANGA SIBUGAY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with