^

Probinsiya

39 katao nalason sa baboy

Ed Casulla - Pilipino Star Ngayon

LEGAZPI CITY, Philippines - Tatlumpu’t siyam katao na kinabibilangan ng mga guro at estudyante ang isinugod sa pagamutan matapos na malason sa kinaing sinigang na baboy sa pananghalian sa Tabaco City, Albay kamakalawa.

Sa ulat ang mga biktima ay kasalukuyan na ngayong nilalapatan ng lunas sa Ziga Medical Hospital sa Tabaco City, Albay.

Ayon kay Norma Liporada, isa sa mga biktima, dumalo sila sa sport event sa kanilang eskuwelahan kung saan ay nagpaluto na lang sila ng pagkain para sa pananghalian kung saan sinigang na baboy ang isinilbing ulam ng caterer.

Gayunman, ilang oras matapos makain ang sinigang na baboy ay dumaing na ang mga guro at estudyante ng matin­ding pagkahilo, pananakit ng ulo at pagsusuka bunsod upang isugod ang mga ito sa pagamutan.

Pinaniniwalaan namang kontaminado o panis na ang baboy na inihain sa mga biktima bunsod upang malason ang mga ito. 

 

ALBAY

AYON

GAYUNMAN

NORMA LIPORADA

PINANINIWALAAN

TABACO CITY

TATLUMPU

ZIGA MEDICAL HOSPITAL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with