Trak vs 6 sasakyan: 1 patay, 6 sugatan
MANILA, Philippines - Isa ang iniulat na namatay habang anim naman ang sugatan makaraang suyurin ng trak ang mga sasakyang nakaparada sa gilid ng Maharlika Highway sa Barangay Calumpang, Tayabas City, Quezon kahapon ng umaga.
Sa inisyal na report ni P/Chief Inspector Manny Calma,hepe ng Tayabas PNP, nawalan ng preno ang trailer truck ni Leonardo Felicida pagsapit sa pababang bahagi ng Maharlika Highway.
Inararo ng trak ang mga nakaparadang sasakyan sa Grand Evangelical Mission ng mga miyembro ng Iglesia ni Cristo kung saan nagkarambola pa ang apat na bus, isang kotse at Tamaraw FX.
Gayon pa man, namatay ang biktimang si Delfin Velasco, 54, ng Candelaria, Quezon, matapos maipit ng dalawang bus.
Kabilang sa mga sugatang naisugod sa Quezon Medical Center at Lucena Doctors Hospital ay sina: John Martoni, mag-inang Mylene Maala at DoÂminga Maala, Ligaya Bayona, 60; anak nitong si Elyrose Bayona, at si Raymond Concepcion.
Umabot sa 20-kilometro ang daloy ng trapik na nagmistulang parking lot kung saan nag-rerouting para sa mga apektadong sasakyan mula Bicol, kabilang dito ang pagdaan sa Pagsanjan, Laguna, Sariaya, Quezon at patungong Maynila.
Bukod sa aktibidad ng INC na sinasabing kinansela, napilitan na ang mga kumpanya ng mga bus na kanselahin ang regular na oras ng biyahe pa-Maynila ngayong araw.
- Latest