^

Probinsiya

May-ari ng handicraft shop itinumba

Ed Casulla - Pilipino Star Ngayon

CAMP SIMEON OLA, Legazpi City, Philippines  â€“ Napaslang ang 32-anyos na may-ari ng handicraft shop matapos pagbabarilin ng mga armadong kalalakihan sa harapan ng kanyang pamilya at ilang tauhan kamaka­lawa ng gabi sa Barangay Comapo-capo sa bayan ng Pilar, Sorsogon.

Kinilala ang biktima na si Alvin Mapusao 32, negos­yante at tumatayong hepe ng mga barangay tanod sa nasabing barangay.

Nabatid na abala ang biktima sa kanyang negosyong handicraft sa bakuran ng kanilang bahay kasama ang pamilya at ilan nitong tauhan nang lapitan at ratratin ng mga armadong rebelde.

Matapos pagbabarilin ang biktima ay pinasok naman ang bahay nito kung saan kinaladkad ang misis at apat na mga anak kung saan hinihingi ang baril na nakatago.

Dahil sa walang makuhang baril ay kaagad na lumabas ng bahay at mu­ling pagbabarilin ang duguang biktima kahit nakabulagta na.

Samantala, inamin na ng Greg Bañares Command ng NPA rebs ang pagpaslang sa biktima matapos itong magpalabas ng kalatas.

vuukle comment

ALVIN MAPUSAO

BARANGAY COMAPO

DAHIL

GREG BA

KINILALA

LEGAZPI CITY

MATAPOS

NABATID

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with