Barangay chairman nilikida
NORTH COTABATO, Philippines – Napaslang ang isang barangay chairman matapos itong pagbabarilin ng mga di-kilalang lalaki sa harapan ng Superama sa Rizal Street, Barangay Poblacion sa bayan ng Kabacan, North Cotabato kamakalawa ng hapon. Napuruhan sa dibdib ang biktimang si Chairman Kudin Kusim ng Barangay Balatungkayo sa bayan ng Datu Montawal, Maguindanao. Sa police report na nakarating kay P/Chief Insp. Jordine Maribojo, hepe ng Kabacan PNP, binisita ng biktima ang kanyang kamag-anak sa nasaÂbing lugar nang lapitan at pagbabarilin. Naisugod pa sa Kabacan Medical Specialist Hospital subalit namatay din ang biktima.
- Latest