P.3-M napulot isinauli ng 2 estudyante
BAYOMBONG, Nueva Vizcaya , Philippines – Dalawang kabataang estudyante na nakapulot ng P.3 milyong cash ang isinauli sa tunay na may-ari sa bayan ng Aritao, Nueva Vizcaya kamakalawa.
Kinilala ang dalawang mag-aaral na may mga giÂnintuang puso na sina Jurel Culay-an at Jovelito Corpuz na kapwa 3rd year high school student ng Aritao National High School.
Ang dalawa magkasamang nagdya-jogging sa kahabaan ng kalsada sa harapan ng public market nang mapulot ang maliit na bag na nasa gilid ng kalsada.
Nang buksan ang napulot na maliit na bag ay laking gulat nang makita ang nakabalumbong pera at mga tseke na umaabot sa P360, 000.
Kaagad na ipinaabot ng dalawa sa himpilan ng pulisya ang napulot kung saan nagkataon naman na nagtungo sa pulisya ang negosyanteng may-ari ng bag na itinago sa pangalang Edwin para ipagbigay-alam ang pagkawala ng kanyang bag.
“Nasa gilid ng upuan sa aking sasakyan ang bag at dahil sa pagod at puyat ay hindi ko namalayan na nahulog nang bumaba, kinabukasan na lamang nang mapansin ko na nawawala pala, mabuti na lamang at mababait ang mga batang nakapulot, dahil sa hirap ng buhay ngayon, hindi ko na inasahan na maibabalik pa,†pahayag ng negosyante.
Labis naman na ikinatuwa ng school principal na si Buena Fe Ramos ang ipinakitang katapatan ng dalawa nilang estudyante dahil sa hindi nasilaw ang mga ito na angkinin ang malaking halaga sa kabila ng kanilang kahirapan sa buhay.
“Sana magsilbing halimbawa para sa iba pang mag-aaral ang ginawa ng dalawa naming estudyante, kami ay lubos na nagagalak dahil ang ipinakita nilang pambihirang kabaitan ay nagpapatunay lamang na mayroon silang napag-aralan, may likas na katapatan at higit sa lahat ay may takot sila sa Diyos,â€dagdag pa ni Ramos.
- Latest















