^

Probinsiya

NCCC Mall sa Palawan, naabo

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Aaabot sa milyong halaga ng ari-arian ang naabo makaraang masunog ang  NCCC mall sa Puerto Princesa City, Palawan noong Lunes ng gabi hanggang kahapon ng madaling-araw. Sa ulat ng Puerto Princesa City Bureau of Fire Marshal, dakong alas-10:30 ng gabi nang lamunin ng apoy ang  nasabing mall sa Lacao Street sa nabanggit na lungsod. Nabatid na mabilis na kumalat ang apoy sa pinakamataas na palapag ng mall na nagsisilbing storage area ng department store. Ang NCCC Mall ang datirating pinakamalaking shopping center bago pa man magbukas ang Robinson Mall noong 2012. Tumagal ng anim na oras ang sunog bago naapula bandang alas-3:15 ng madaling-araw kahapon. Wala namang naitalang nasugatan at namtay sa naganap na sunog. Patuloy naman ang imbestigasyon habang inaalam pa ang halaga ng ari-arian na  napinsala.

 

vuukle comment

AAABOT

LACAO STREET

NABATID

PALAWAN

PATULOY

PUERTO PRINCESA CITY

PUERTO PRINCESA CITY BUREAU OF FIRE MARSHAL

ROBINSON MALL

TUMAGAL

WALA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with