^

Probinsiya

Encounter: 3 patay, 1 sugatan

Rhoderick ­Beñez - Pilipino Star Ngayon

NORTH COTABATO, Philippines - Tatlong armadong bandido ang napaulat na napaslang habang sugatan naman ang isang sundalo  makaraang sumiklab ang sagupaan sa hangganan ng North Cotabato at Maguindanao noong Sabado.

Ayon kay 602nd Brigade spokesperson Capt. Antonio Bulao, sinalakay ng mga armadong grupo ang CVO detachment sa Sitio Mapagkaya, Barangay Paidu Pulangi sa bayan ng Pikit, North Cotabato noong Sabado.

Agad namang rumesponde ang tropa ng 7th Infantry Battalion ng Phil. Army upang mapigilan ang pagpasok ng armadong grupo sa bahagi ng North Cotabato.

Naitaboy papalayo ng militar ang mga armadong grupo kaya humupa pansamantala ang tensiyon.

Batay sa intelligence report, nagkukuta sa Barangay Dasawao, Shariff Saydona Mustapha, Maguindanao ang mga naitaboy na armadong grupo.

Nabatid na ilog ang pagitan ng Barangay Paidu Pulangi at Barangay Dasawao, Shariff Saydona Mustapha sa Maguindanao.

 Bagama’t wala pang opisyal na ulat ang militar kaugnay sa nasabing sagupaan, patuloy naman ang kanilang pagsisiyasat.

ANTONIO BULAO

AYON

BARANGAY DASAWAO

BARANGAY PAIDU PULANGI

INFANTRY BATTALION

MAGUINDANAO

NORTH COTABATO

SABADO

SHARIFF SAYDONA MUSTAPHA

SITIO MAPAGKAYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with