^

Probinsiya

Pamangkin ng ex-vice mayor, itinumba

Raymund Catindig - Pilipino Star Ngayon

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines - Pinabulagta ang 28-anyos na negosyanteng pamangkin ng dating vice mayor matapos itong pagbabarilin ng di-kilalang lalaki sa harapan ng tindahan sa Barangay Mabini, bayan ng Gamu, Isabela kahapon ng tanghali.

Kinilala ni P/Senior Insp. Calixto Labang ang biktima na si Onofre Lacerna Jr. na napuruhan sa ulo ng bala ng cal. 45 pistol.

Ayon kay Labang, si Lacerna ay pamangkin ni dating Vice Mayor Nestor Lacerna na ngayon ay administrador ni Mayor Nestor Uy sa nasabing bayan.

Lumalabas sa imbestigasyon na ipinaparada ng biktima ang pag-aaring traysikel sa likuran ng kanyang tindahan nang lapitan at ratratin ng gunman.

Nagawa pang isugod sa Isabela Doctors’ Hospital sa Ilagan City subalit idineklarang patay ang biktima.

Nabatid kay Labang na isa sa mga anggulong sinisilip ay ang pagkakasangkot ng biktima sa kasong homicide na dinidinig kahapon sa Iligan City Regional Trial Court ng Ilagan City.

 

vuukle comment

AYON

BARANGAY MABINI

CALIXTO LABANG

ILAGAN CITY

ILIGAN CITY REGIONAL TRIAL COURT

ISABELA DOCTORS

LABANG

MAYOR NESTOR UY

ONOFRE LACERNA JR.

SENIOR INSP

VICE MAYOR NESTOR LACERNA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with