^

Probinsiya

Mangingisda nasagip sa Japan

Raymund Catindig - Pilipino Star Ngayon

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines - Nasagip ang 48-anyos na mangingisdang Pinoy na iniulat na nawawala noon pang Linggo (Agosto 11) dulot ng bagyong Labuyo makaraang natagpuang nakakapit sa lumulutang na bangkang bumaliktad  sa karagatang sakop ng Japan kamakalawa.


Sa pahayag ni Batanes Coast Guard Chief SN1 Samuel Carrera, kasalukuyang nagpapalakas ang mangi­ngisdang si Julio Balanoba sa Yaeyama Hospital sa Okinawa, Japan.
  Ayon kay Carrera, nakaligtas si Ba­lanoba  sa mga prutas na dala nitong supply na saging at pakwan sa loob ng 10- araw na palutang-lutang sa gitna ng karagatan.
 

Nabatid na lumutang at tumaob ang bangka ni Ba­lanoba matapos nitong  pagkabit-kabiting itali ang mga basyong plastic na lalagyan ng tubig sa magkabilang bahagi ng bangka.

“Ang naganap kay Ba­lanoba ay katulad sa tatlong mangingisda mula sa bayan ng Sta. Ana, Cagayan na nasagip naman ng Phil. Coast Guard sa karagatan ng Taiwan matapos abutin ng bagyong Isang noong Hulyo 2013,” pahayag ni Norma Talosig, director ng Office of the Civil Defense Cagayan Valley.

vuukle comment

AGOSTO

AYON

BATANES COAST GUARD CHIEF

COAST GUARD

JULIO BALANOBA

NORMA TALOSIG

OFFICE OF THE CIVIL DEFENSE CAGAYAN VALLEY

SAMUEL CARRERA

YAEYAMA HOSPITAL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with