^

Probinsiya

Misis pinatay, opisyal ng UPLB nag-suicide

Pilipino Star Ngayon

CAMP VICENTE LIM, Laguna, Philippines – Nagimbal ang mga residente sa naganap na trahedya sa isang pamilya makaraang patayin sa saksak ng kanyang mister na nagpakamatay din sa harap mismo ng kanilang anak sa Barangay Bambang, bayan ng Los Baños City, Laguna noong Miyerkules ng gabi.  

Kinilala ng pulisya ang mister na si Philip Oruga, security officer ng University of the Philippines-Los Baños na responsable sa pagpatay ng kanyang misis na si Joann Oruga.

Ayon sa police report, huling narinig ng mga kapitbahay na nag-aaway ang mag-asawang Oruga bandang alas-11 ng gabi sa Tesalona Apartments.

Gayon pa man, nama­taan ng isang saksi na duguang tumatakbong papalabas ng apartment si Joann habang sinisigawan ng kanyang asawa.

Kasunod nito, nakita na lang ng mga residente ang nakahandusay na katawan ng mag-asawa na kapwa may saksak ng patalim kung saan nagawang maisugod sa ospital pero idineklarang patay si Joann at namatay naman habang ginagamot si Philip.

Isinalaysay ng 11-anyos na anak ng mag-asawang Oruga ang buong pangyayari kung saan sinaksak ang kanyang nanay ng kanyang tatay hanggang saksakin nito ang sarili.

Nabatid na dating kawani rin sa UPLB si Joann  bilang public relations officer bago lumipat sa Philippine Council for Agriculture, Aquatic, and Natural Resources Research Development ng Department of Science and Technology. (Dagdag ulat ni Joy Cantos)

vuukle comment

BARANGAY BAMBANG

DEPARTMENT OF SCIENCE AND TECHNOLOGY

JOANN

JOANN ORUGA

JOY CANTOS

LOS BA

NATURAL RESOURCES RESEARCH DEVELOPMENT

ORUGA

PHILIP ORUGA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with