^

Probinsiya

2 Tricycle driver niratrat

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Dalawang tricycle driver ang nasawi matapos ang mga itong bistayin ng bala ng hindi pa nakilalang nag-iisang armadong salarin sa bayan ng Calasiao, Pangasinan kamakalawa ng gabi.

Idineklarang dead-on-arrival sa Region 1 Medical Center ang mga biktimang sina Reynaldo Romero at Rex Ramirez; pawang residente ng Dagupan City.

Ang dalawang biktima ay nagtamo ng mga tama ng bala ng cal. 45 pistol sa iba’t-ibang bahagi ng katawan  partikular na sa bahagi ng kanilang ulo na siyang kumitil sa buhay ng mga ito.

Sa ulat ng Pangasinan Police, naganap ang insidente sa bahagi ng Brgy. Banaoang, Calasiao ng lalawigan dakong alas-11 ng gabi habang namamasada ang mga biktima.

Biglang sumulpot ang salarin saka pinagbabaril ang mga biktima at ilang saglit pa ay mabilis na tumakas na sinamantala ang kadiliman ng gabi.

Narekober naman sa crime scene ng mga nagrespon­deng awtoridad ang 11 basyo ng bala ng naturang armas.

 

vuukle comment

BANAOANG

BIGLANG

CALASIAO

DAGUPAN CITY

MEDICAL CENTER

PANGASINAN POLICE

REX RAMIREZ

REYNALDO ROMERO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with