2 patay sa road mishap
QUEZON, Philippines – Kamatayan ang sumalubong sa daÂlawang sibilyan habang sugatan naman ang isa pa matapos magsalpukan ang dalawang trak sa kahabaan ng Maharlika Highway sa Sitio Salolo, Barangay Malinao Ilaya sa bayan ng Atimonan, Quezon, kamakaÂlawa ng gabi. Kinilala ang mga namatay na sina Nelson Aguila, 37; at Edgar de Castro habang sugatan naman si Justine Avila at nakaligtas naman ang isa pang pahinante na si Jerome dela Cruz ng Brgy. San Roque, Calauag, Quezon.
Sa ulat ni Provincial DisasÂter Risk Reduction Management Council Dr. Henry Buzar, nagkasalpukan ang cargo trak (CSD 975) ni Jerome at ang oil tanker (LUE 646) na minamaneho ni Nelson pagsapit sa kurbadang kalsada.
Sumadsad pa ang oil tanker sa gilid ng highway hanggang sa makailang ulit na bumaliktad kung saan nasunog pa ang unahang bahagi ng sasakyan.
Nahirapan ang mga rescuer na alisin ang driver ng oil tanker dahil sa matinding pagkakaipit nito sa inuupuan.
Nabatid na patungong lalawigan ng Bicol ang oil tanker na sinasabing kargado ng 20,000 coconut oil mula sa Maynila nang makasalubong ang trahedya.
- Latest