5 mangingisda nawawala
August 13, 2013 | 12:00am
CAMARINES NORTE , Philippines- Limang mangingisda ang iniulat na nawawala matapos pumalaot sa karagatang sakop ng bayan ng Simura, Camarines Sur kahit may paparating na bagyo kamakalawa ng hapon. Kabilang sa mga nawawala ay sina Jonar Villeno, Eddie Candelaria, Orlando Candelaria, Anthony Candelaria at si Melchor Candelaria na pawang nakatira sa Brgy. Bagasbas sa nasabing bayan. Nabatid na maaliwalas pa ang panahon ng pumalaot ang mga mangingisda hanggang sa abutin ng sama ng panahon sa gitna ng karagatan.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Recommended