^

Probinsiya

14 anyos ginahasa ng lolo

Cristina Timbang - Pilipino Star Ngayon

CAVITE, Philippines – Humihimas  ngayon ng malamig na rehas na bakal ang isang manyak na lolo makaraan nitong gahasain ang isang 14-anyos na dalagita sa kamakalawa sa Cavite City.

Ipinagharap ng kasong rape at pang-aabuso sa bata ang suspek na si Bayani dela Cruz, 59 anyos, walang hanap­buhay ng Brgy. II, Dalahican ng lungsod.

Inaresto ang suspek matapos ireklamo ng biktimang itinago sa pangalang Jingjing na sinamahan ng kaniyang mga magulang sa Children’s and Women’s Protection Desk ng Cavite City Police. Sa salaysay ni Jingjing, pauwi na siya sa kanilang bahay ng imbitahan ng suspek na ililibre ng pagkain sa isang restaurant pero sa Aloha motel umano siya dinala ng matanda. Wala namang nagawa ang biktima matapos na halayin ng manyakis na lolo.  Nadiskubre ang panghahalay ng suspek matapos na usisain ng kaniyang ina ang umiiyak na biktima na binantaan pang papatayin ng matanda kapag nagsumbong.

vuukle comment

BAYANI

BRGY

CAVITE CITY

CAVITE CITY POLICE

CRUZ

DALAHICAN

HUMIHIMAS

JINGJING

PROTECTION DESK

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with