7 tiklo sa illegal fishing
CAMARINES NORTE, Philippines - Swak sa kulungan ang pitong mangingisda makaraang arestuhin ng mga awtoridad kaugnay sa paggamit ng iligal na pamamaraan sa pangiÂngisda sa karagatang sakop ng Barangay South Poblacion sa bayan ng Jose Panganiban, Camarines Norte kamakalawa ng gabi. Pormal na kinasuhan ang mga suspek na sina Rodel Bergonio, 53; Jess Garcia, 35; Joel Garcia, 31; Jose Galias, 49; Freddie Osorio, 54; Winnie Bergobio, 51; Jaime Bergonio, 20, pawang mga residente ng Barangay Sta. Milagrosa sa nasabing bayan. Nabatid na gumagamit ng pampasabog na bigas-bigas ang mga suspek sakay ng motorized banca. Kinumpirma naman ni Zosimo P. Guazon, fish examiner ng provincial agricultuÂrist office na ginamitan ng paputok ang nakumpiskang mga isda.
- Latest