^

Probinsiya

Councilor sugatan sa ambush

Pilipino Star Ngayon

BATANGAS, Philippines– Nakaligtas sa salubong ni kamata­yan ang 43-anyos na municipal councilor matapos tambangan ng riding-in-tandem sa kahabaan ng highway sa Barangay Carretonan, bayan ng Calatagan, Batangas kamakalawa ng gabi.

Naisugod sa Western Batangas Medical Center ang biktimang si Councilor Rexio Bautista bago inilipat sa isang ospital sa Maynila.

Sa ulat na nakarating kay P/Senior Supt. Omega Jireh Fidel, Batangas PNP director, nagmamaneho si Bautista ng puting Isuzu Highlander (WLN-871) kasama ang kanyang asawa nang harangin at ratratin pagsapit sa nasa­bing lugar bandang alas-6:30 ng gabi. Nagtamo ng tama ng bala ng baril si Bautista sa likuran ng kanang tenga at sa kaliwang braso bago sumalpok ang kanilang sasakyan sa kongkretong poste.

Gayon pa man, wala namang sugat ang asawa ni Bautista sa insidente.

Tumakas ang dalawang gunmen na kapwa naka-itim na jacket at helmet lulan ng motorsiklo.

Narekober sa crime scene ang anim na basyo ng cal. 45 pistol.

Si Councilor Bautista ang nakakuha ng pinakamaraming boto sa pagka-konsehal ng Calatagan sa katatapos lang na May 2013 midterm elections.

vuukle comment

BARANGAY CARRETONAN

BATANGAS

BAUTISTA

CALATAGAN

COUNCILOR REXIO BAUTISTA

ISUZU HIGHLANDER

OMEGA JIREH FIDEL

SENIOR SUPT

SI COUNCILOR BAUTISTA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with