Mga opisyal ng GVHAI naiproklama na
CAVITE , Philippines - Nagbunga ang matiyagang pakikipag-dayalogo ng mga residente sa pamunuan ng Housing and Land Use Regulatory Board (HLURB) Southern TaÂgalog Region IV-A makaraang maidaos ang election ng Gardenia Valley Homeowners Association, Inc. (GVHAI) sa Barangay Molino 3, Bacoor City, Cavite noong Hulyo 21, 2013.
Umabot sa 754 miyembro ng GVHAI ang rehistradong botante subalit 490 lamang ang bomoto habang aabot naman 197 ang hindi lumahok.
Ang nasabing election ay inaprobahan ng pamunuan ng HLURB at inorganisa ng binuong Election Committee sa pangunguna nina Ed C. Infante, Edna B. dela Merced, Joel R. Cabacunga, Veronica I. Bambilla, at si Ma. Fe C. Dador.
Payapa namang nailatag ang election ng GVHAI noong Linggo ng umaga (Hulyo 21) hanggang hapon kung saan matiyagang binantayan ni Atty. Jainal Abidin Banjin at ilang tauhan ng HLURB.
Matagumpay namang nanalo ang 15-kandidato sa pagka-Board of Directors mula sa 44 nagsumite ng kanilang kandidatura kung saan tatlo ang dinis-qualify ng Elecom.
Kasunod nito, naging saksi naman sina Barangay Chairman Advincula at ilang kagawad sa ginanap na election ng Board of Director noong Hulyo 26 kung saan naiproklama na rin ang mga nanalong opisyal ng GVHAI kabilang na sina Ma. Wanda Dangan bilang pangulo, Perpecto Supsup, 1st vice president; Atoy Roxas, 2st vice president; Zeychelle Suan-an, kalihim; at si Josefina Mayugba, ingat-yaman.
Ayon sa Elecom, aabot lamang sa 11-Board of Directors ang lumahok sa botohan kung saan apat na kandidato ng Kapatiran team na nanalo noong July 21 election ang hindi nakadalo kabilang ang dalawa na sinasabing sinadyang di-lumahok.
Nabatid din na nag-walkout sa pagpupulong sina Norma Vargas at Tina Villareal habang isinagawa ang botohan ng Board of Directors noong Biyernes ng gabi kung saan hindi naman nakuha ang kanilang panig.
- Latest