^

Probinsiya

1 patay, 4 sugatan sa kambal na pagsabog

Rhoderick ­Beñez - Pilipino Star Ngayon

COTABATO CITY, Maguindanao, Philippines - Niyanig ng dalawang malalakas na pagsabog ang Cotabato City sa Maguindanao kamakalawa ng gabi.

Sa police report, unang sumabog ang bahagi ng Manara Street sa Barangay Rosary Heights 10 kung saan wala namang tinamaan ng shrapnel ng granada.

Makalipas ang ilang minuto habang nagsasagawa ng pagsisiyasat ang pangkat ng PNP-Explosive Ordnance Disposal isa pang malakas na pagsabog ang naganap sa Cafe Florencio sa kahabaan ng Sinsuat ­Avenue sa Barangay Rosary Heights 7.

Napatay sa pagsabog ang manager ng cafeteria na si Reynaldo Pascua, 40, ng bayan ng Lambayong, Sultan Kudarat.

Kabilang naman sa na­sugatan ay sina Cornelio Inocentis, 38, government employee, ng De Mazenod Street, RH 3, Cotabato City; James Bryan Fernando, 22, waiter, ng ND Village, RH8; Aileen Coquia, 35, ng TV Juliano Avenue, RH 12; at si Winnette Dugay Guerra, 32, ng Sousa Street, RH 13.

Naganap ang pagpapa­sabog, ilang oras bago ang  pagsalubong ng Holy Month of Ramadan na pormal ng magsisimula ngayong araw.

 

vuukle comment

AILEEN COQUIA

BARANGAY ROSARY HEIGHTS

CAFE FLORENCIO

CORNELIO INOCENTIS

COTABATO CITY

DE MAZENOD STREET

EXPLOSIVE ORDNANCE DISPOSAL

HOLY MONTH OF RAMADAN

JAMES BRYAN FERNANDO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with