Helmet ng missing pilot, lumutang
MANILA, Philippines - Matapos ang 13 araw, natagpuan ng isang mangingisda ang helmet ng isa sa dalawang piloto ng Philippine Air Force matapos itong lumutang malapit sa Sombrero Island sa Narra, Palawan, ayon sa opisyal kahapon.
Sa isinumiteng report ni Brig. Gen. Conrado Parra Jr., pinuno ng Joint Task Force Bronco, kinumpirma nito na ang helmet ay pag-aari ng isa sa dalawang nawawalang piloto.Sa kasalukuyan ay patuloy pa ring pinaghahanap ang mga nawawalang pilotong sina Major Jonathan Ybanez at Lt. Abner Trust Nacion matapos na bumagsak sa karagatan ng Palawan ang Bronco OV10 bomber plane #630 habang nagsasagawa ang mga ito ng proficiency test noong gabi ng Hunyo 23.Ayon kay Parra, agad naman niyang inatasan ang search and rescue team na magtungo sa lugar upang hanapin sa bahagi ng Rasa Island ang naturang mga piloto.
Nabatid na ang helmet ay nakuha ng mangingisdang si Ludivir Nuñez, may 45 nawtikal na milya ang layo sa lugar kung saan lumutang ang debri ng bumagsak na aircraft.
- Latest



















