^

Probinsiya

Ginang kinatay ni mister

Cristina Timbang - Pilipino Star Ngayon

CAVITE, Philippines – Hindi na umabot pa ng buhay sa pagamutan ang isang misis matapos na undayan ng 18 saksak sa katawan ng mister nito  sa gitna ng matinding pagtatalo dahilan sa matinding selos kamakalawa ng gabi sa Brgy Ligtong 1, Rosario, Cavite.

Kinilala ng pulisya ang biktima na si Regina Ledesma, 33 anyos residente ng # 538 Pilapil St., Brgy Ligtong 1 Rosario Cavite habang pinaghahanap naman ang tumakas na suspek na si Ernie Ledesma, 39 anyos, fish vendor.

Sa imbestigasyon ni PO1 Raniel Granado may hawak ng kaso, dakong alas-6:30 ng gabi ng maganap ang insidente kung saan nagtalo ang mag-asawa bunga ng matinding selos ng nasabing mister sa kaniyang misis.

Napikon umano ang suspek na agad dumampot ng kut­silyo at pinagsasaksak ang misis ng maraming beses na siya nitong agarang ikinamatay.

Lumalabas na matinding selos ang nakikitang motibo ng pulisya sa insidente kung saan pinagbibintangan ng suspek na may ibang lalaki ang kanyang misis.

 

BRGY LIGTONG

CAVITE

ERNIE LEDESMA

KINILALA

LUMALABAS

PILAPIL ST.

RANIEL GRANADO

REGINA LEDESMA

ROSARIO CAVITE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with