^

Probinsiya

3 Tsino tiklo sa P185-M shabu

Cristina Timbang, Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Umiskor ang mga ope­ratiba ng PNP-Anti Illegal Drugs Special Operations Task Force (PNP-AIDSOTF) kasunod ng pagkakaaresto sa tatlong  big time Chinese drug trafficker  sa isinagawang serye ng operasyon sa Manila at Cavite kamakalawa ng gabi hanggang kahapon ng madaling-araw.

Ayon kay PNP –AIDSOTF Legal Officer  at spokesman P/Chief Inspector Roque Merdegia Jr., aabot sa 37-kilo ng shabu (methamphetamine hydrochloride) na nagkakahalaga ng P185 milyon ang nasamsam mula sa mga suspek.

Bandang alas-9 ng gabi ng unang magsagawa ng buy-bust operations ang mga operatiba ng PNP-AIDSOTF sa Muelle de Binondo sa Maynila.

Nasakote sa operasyon ang mga suspek na sina Tai Chun Yuan alyas Mr. Chua at Yang Mou Yuan alyas Yeng.

Nasamsam mula sa mga suspek ang 2-kilo ng shabu  habang nakatakas naman ang isa ng mga kasamahan.

Samantala, ang karagdagan pang 15-kilo ng shabu ay nasamsam naman sa condominium unit ni Yeng sa nasabing lugar.

Sa isa pang operasyon kahapon ng madaling-araw ay nasakote naman ang kasamahan ng mga suspek na si Shu Jian Ye sa Trece Martires City, Cavite kung saan nasamsam ang 20-kilo ng shabu.

vuukle comment

CAVITE

CHIEF INSPECTOR ROQUE MERDEGIA JR.

DRUGS SPECIAL OPERATIONS TASK FORCE

LEGAL OFFICER

MR. CHUA

SHU JIAN YE

TAI CHUN YUAN

TRECE MARTIRES CITY

YANG MOU YUAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with