Biyudo utas sa puno
CAMP SIMEON OLA , Legazpi City, Philippines – Nabasag ang bungo ng isang biyudo matapos na aksidenteng mabagsakan ng punongkahoy na kaniyang pinutol para gawing uling sa Purok 12, Brgy. San Pedro, Cabusao, Camarines Sur kamakalawa. Dead-on-the-spot sa insidente ang biktimang si Estanislao Urbase, 54 anyos at residente ng nasabing lugar. Batay sa ulat ng pulisya, bandang alas-11:30 ng Âumaga habang namumutol ng punongkahoy ang biktima para gawing uling ng aksidente itong mabagsakan ng nabuwal na puno. Nabatid na ang biktima ay magu-uling na siya nitong pinagkukunan ng ikabubuhay. Iniimbestigahan pa ang kasong ito.
- Latest